Friday, May 8, 2009

Ang bilis.

Grabe. Papatapos na ang summer. Ang bilis. Papasok na naman ako. Takot akong mag-str. Inaantok na ako. Paalam. See you soon!

Friday, March 13, 2009

Last Week

Grabe. Huling linggo, ang fail ng perio ko. Makabawi kaya ako. Aabot pa kaya ako sa dl. Sana naman, kahit sabit lang. Sobrang saya ko na.
Last week na lang. :(( Ma-mimiss ko ang year na 'to. Naiiyak na talaga ako. huhuhu.... Sige na nga. Ma-mimiss ko sina Sir Manoop at Sir Nat. Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyy. Wala na tayong magagawa patapos na ang taon. Feeling ko tuloy ngayon wala akong kailangan gawin. Haaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyy. Tamad ko. Hehe..
Parating na ang summer. Ano kaya gagawin ko? .......... Sana may bago akong matutunan. Sana di ako gaano mahilo sa biyahe. Sana maenjoy ko ang summer. Sana sa tacloban talaga yung palarong pambansa sa summer. Balak pa lang, pero sana matuloy. Para makapunta si sir mike ng tacloban. La lang, para astig. Magkikita kami. Haha. Kaya tuloy, kailangan ko pa mag-taekwondo. Baka kasi pagalitan niya ako kung pagpunta niya di ako nag-tratraining. Cge, tapusin ko pa ung fanfic.

Thursday, February 26, 2009

Malapit na magtapos ang third year.

Patapos na ang year, wala akong masabi. Isang napakasaya at makasaysayang taon para sa akin. Marami akong natutunan, nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan at higit sa lahat ay nalagpasan ko na ang isang taon na puno ng maraming mga pagsubok at mga bagong karanasan. Naubos na ata pawis at dugo ko sa kaaaral ng chem at bio. Ang laki na ng eyebags ko sa ka-rereview ng math. (Ang sipag daw :p) Ang sakit na ng katawan ko sa training ng basketball at taekwondo. Sana ay may mga magandang pagbabago na maidulot ang taong ito sa buhay ko. Sana ay tumatak ito sa isip ko at sa aking pagtanda ay maaalala ko ito bilang isang napakahalagang pangyayari sa buhay ko. Hay! Mamimiss ko talaga ang third year, retreat, sleepovers, field trips at marami pang iba........

Thursday, January 22, 2009

2009

Hello! Ang tagal ko na palang di nag-post. Malapit na ang YMSAT. Magluluto kami para sa foodsci. May str pa at physics. Haay! nakakapagod. Kahit tapos na yung blog as project for comp sci, gusto ko pa ring magsulat. Para stress-relief din siya in a way.. Anyway, naisipan kong mag-reread ng harry potter books (actually .pdf files, malayo yung libro eh). Wala lang, nakalimutan ko na eh. At di ko pa nababasa 3 at 7, at di ko pa tinatapos 6. So, yun.

Dapat may basketball training kami ngayon, kaso wala si sir so, wala. Sige, hanggang sa susunod. Paalam.

Thursday, December 4, 2008

Sampa Practice/Reunion

Nag-popost lang ako dahil utos ni Lea..... :| . Basta nag-practice kami kanina para sa intermission sa paskorus. Tapos sabi nila maganda daw.... Tapos may naamoy kaming parang sunog, ..... :D Tapos walang training.... Tapos na socsci long test... :D.... May mali na ako tae! (10x) ........ Tae! Cge, paalam.

Tuesday, November 11, 2008

Bakasyon na naman..

Ngayon, nasa dorm pa rin ako. Bukas, pupunta na ako sa condo ng Auntie ko muna. Hay salamat, makakapagpahinga na ako. Panira ang physics!
Sayang, di kami natuloy sa Subic. Sana naman this time maraming pumunta dahil sa mall lang naman. Kailan kaya? Sana ma-confirm na yung date. Ok, cge bahala na.
Di pa ako kumakain ng dinner, ang aga kasi magsara ng caf. Eh, naaliw ako sa pagbabasa ng BTS abt yung Giant Christmas Tree lighting sa Araneta, masyado ata akong naaliw. hehe. Mag-nenesvita na lang tuloy ako. Ok lang yan, marami naman akong kinain nung lunch.... Cge, magpapakasaya na muna ako.

Sunday, November 9, 2008

Walang comsci.....

Taeng blog, ba't ayaw mag-post. Sige, basta masaya ako ngayon.... Paalam...