Thursday, February 26, 2009

Malapit na magtapos ang third year.

Patapos na ang year, wala akong masabi. Isang napakasaya at makasaysayang taon para sa akin. Marami akong natutunan, nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan at higit sa lahat ay nalagpasan ko na ang isang taon na puno ng maraming mga pagsubok at mga bagong karanasan. Naubos na ata pawis at dugo ko sa kaaaral ng chem at bio. Ang laki na ng eyebags ko sa ka-rereview ng math. (Ang sipag daw :p) Ang sakit na ng katawan ko sa training ng basketball at taekwondo. Sana ay may mga magandang pagbabago na maidulot ang taong ito sa buhay ko. Sana ay tumatak ito sa isip ko at sa aking pagtanda ay maaalala ko ito bilang isang napakahalagang pangyayari sa buhay ko. Hay! Mamimiss ko talaga ang third year, retreat, sleepovers, field trips at marami pang iba........