Tuesday, November 11, 2008

Bakasyon na naman..

Ngayon, nasa dorm pa rin ako. Bukas, pupunta na ako sa condo ng Auntie ko muna. Hay salamat, makakapagpahinga na ako. Panira ang physics!
Sayang, di kami natuloy sa Subic. Sana naman this time maraming pumunta dahil sa mall lang naman. Kailan kaya? Sana ma-confirm na yung date. Ok, cge bahala na.
Di pa ako kumakain ng dinner, ang aga kasi magsara ng caf. Eh, naaliw ako sa pagbabasa ng BTS abt yung Giant Christmas Tree lighting sa Araneta, masyado ata akong naaliw. hehe. Mag-nenesvita na lang tuloy ako. Ok lang yan, marami naman akong kinain nung lunch.... Cge, magpapakasaya na muna ako.

Sunday, November 9, 2008

Walang comsci.....

Taeng blog, ba't ayaw mag-post. Sige, basta masaya ako ngayon.... Paalam...

Tuesday, November 4, 2008

Hello. Nakakapagod na, susuko na ako. Masyadong stressful ang buhay. Kailangan kong mag-catch up to the max. Ang dami talagang gagawin. Ayoko na........................... :|
Pero, di ba, habang may buhay, may pag-asa. Kaya pagtitiyagaan ko na 'to. Sayang naman ang mga pinaghirapan ko.
Pag-uwi ko, Wow! stress relief. Pagkabalik naman na pagkabalik. ****! Hindi lang nakaka-stress, nakaka-depress din................. Hay...... Sana mag-bakasyon na.... :| Sige, marami pa akong gagawin.

Monday, October 27, 2008

hehe; dalawang araw bago umalis

hehe; uuwi na ako! Excited ako, pero medyo guilty. Tatlong araw akong hindi papasok. Ang dami kong ma-mimiss sa school. Pa'no ako makakahabol? :{ Di bale na worthwhile naman pag-uwi ko. Sige, paalam na marami pang gagawin..

Tuesday, October 7, 2008

Oct. 8, 2008 (Dalawang araw bago sem-break)

Nandito na naman ako! Nakakainis talaga. Inurong nila yung sem-break ng pagkaaga-aga. Tuloy, hindi ko alam anong gagawin ko sa undas......... :(( Mabibitin yung vacation ko, tapos marami pa akong absent... Malapit na birthday ko.. Dun na ako mag-cecelebrate sa Camarines Norte. Uuwi ako ng friday ng gabi at babalik ako sa 16 or 17. Cge, paalam muna sa ngayon. Marami pa akong gagawin.

Sunday, September 28, 2008

Last night before perio week

hello.. Nandito na naman ako.... Nag-aaral ako sa math ngayon tpos maya-maya soc sci naman. Grabeh! Ang daming gagawin... Kulang na ako ng tulog palagi. Sige, paalam na muna.

Friday, September 26, 2008

End ng Hell week; Pre-perio week

Nalampsan ko na yung araw na to. Pero kahit ganun nakaka-depress pa rin. Kagabi, sobra akong stressed. Ngayon, depressed naman. Nag-aral ako sa math pero masyadong tricky ung speed test kanina. After 1st period depressed ka na agad. Nung bio lt naman, test 2 mahirap, masyadong specific. Buti na lang ok lang yung english. Kaso nga lang nakalimutan ko pa yung title ng 2 piano pieces. Nako............
Nakakainis bano na ako mag-pingpong. Talo na ako palagi ni Portia. Hmph! Pagod ako ngayon kakalaro. Yay! naayos ko na yung comp sci program na may table. Nagsimula na ako sa soc sci portfolio entry. Nakapag-search na ako ng bio. At nakakalahati na ako ng kitchen god's wife. Yay! napak-productive ko........
Cge, matutulog na ako ng maaga. Kulang ako ng tulog kanina eh.........