Wednesday, July 16, 2008

Wednesday (SS at Chem LT)

Hello. Umulan na naman kanina, akala ko nga wala nang pasok dahil sa tindi ng baha. Pero kilala mo naman ang pisay, kahit anong mangyari basta't pwede pang may pasok, hindi ma-sususpend ang classes.
Chem LT: ok lang, answerable naman. Pagkatapos ay food sci, nag-ferment kami ng melon at kumain din ng konti. Kaso nga lang di namin natapos ang pag-ferment kaya ipagpapatuloy na lamang bukas.
SS LT: fairly good.)_ tama ba? _( Basta fine lang sya.. di ganun kahirap. Nakakainis naman ung bonus ehh. Yung #4. ***** dapat sagot pero ***** nasulat ko. Nagka-scramble lang ng konti yung letters eh............... Banas naman! (_....._)
Tapos, yung library ID ko pa na detain sa library at ayaw agad ibigay. Yung librarian pang nakakuha(suki ako: gate pass at pagpapahiram ng ID) ay binigyan ako ng warning na 2 strikes na. Sa susunod bibigyan na daw ako ng IR. Naku...!.... Pa'no na yan, masisira repuutasyon ko.
After dismissal ay nag-taekwondo na ako. The usual lang naman warm up, kickings, tapos may konting stamina build-up, then sparring. Bastos ung sa kicking palagi akong natatamaan sa kamay, eh ang lakas pa naman nung partner ko (F=ma), not to mention mas malaki kaysa sa akin. Inaamin ko natatamaan ko rin siya minsan pero hindi ko naman na-scratch yung balat niya ah!..... Kahit na ganun, masaya pa rin. Ang kulit ni sir, tinali ba naman yung belt ni kuya Daryl sa bisig at leeg niya para daw mailagay yung kamay niya sa tamang posisyon habang tumatadyak. At, gumamit din pala kami ng trash cans para sa mga matatangkad na tao upang matiyak na tama ang paraan ng pagbaba ng kanilang paa after mag-kick. Overall, masaya ang meeting na 'to.
Ha! Nakanood ako ng isang episode ng reaper.... Ang SAYA! At saka nga pala nalimutan kong bilhan ng kanin sina Rocelle at Elysse, buti na lang di nagalit. Good Night!