Sunday, September 28, 2008

Last night before perio week

hello.. Nandito na naman ako.... Nag-aaral ako sa math ngayon tpos maya-maya soc sci naman. Grabeh! Ang daming gagawin... Kulang na ako ng tulog palagi. Sige, paalam na muna.

Friday, September 26, 2008

End ng Hell week; Pre-perio week

Nalampsan ko na yung araw na to. Pero kahit ganun nakaka-depress pa rin. Kagabi, sobra akong stressed. Ngayon, depressed naman. Nag-aral ako sa math pero masyadong tricky ung speed test kanina. After 1st period depressed ka na agad. Nung bio lt naman, test 2 mahirap, masyadong specific. Buti na lang ok lang yung english. Kaso nga lang nakalimutan ko pa yung title ng 2 piano pieces. Nako............
Nakakainis bano na ako mag-pingpong. Talo na ako palagi ni Portia. Hmph! Pagod ako ngayon kakalaro. Yay! naayos ko na yung comp sci program na may table. Nagsimula na ako sa soc sci portfolio entry. Nakapag-search na ako ng bio. At nakakalahati na ako ng kitchen god's wife. Yay! napak-productive ko........
Cge, matutulog na ako ng maaga. Kulang ako ng tulog kanina eh.........

Thursday, September 25, 2008

Ikaapat na araw ng Hell week

Ano ba... Superstressed na ako. Kain tuloy ako ng kain. Grabeh! di ko na kaya 'to. Medyo light ung araw na 'to, alam kong may specific reason. Dahil overloaded bukas.:| First period: math speed test. Sunod: Bio lt, tpos last but not the least: English lt. Hay naku! napaka-stressful........... Sige, paalam na, mag-aaral pa ng bio at math.

Tuesday, September 23, 2008

Tuesday, Doomsday,

This day is full of things. 2 quizzes, 1 long test and table tennis championships. Haay! Thank God the day is already over. I passed English, was frustrated in Chem and confused in STR. What awaits thy tomorrow?....Hmm...I also won the table tennis championships. Yay!
Tomorrow, STR again.....:(..Math, Comp Sci (Oh! No! Activity), Soc Sci and Taekwondo classes. Slightly heavy, but still manageable...
Good night.. Need to finish Soc Sci and study Comp Sci...... Bye for now.......
-Min-min

Tae! Hell week na talaga......

Hell week...................
Na naman
Linggo ko ay maraming laman.
Pinaghalo-halong palaman.
Nakakasuka na hindi ko malaman.

Sadyang ganito bawat taon.
Kaya't iniisip ko na lang ibaon..
Mga nakakahilong aralin......
At naghahanap ng ibang iisipin.

Sana ay malampasan ko.
Ang linggong ito.
Ng hindi bumababa ang marka ko.

Lahat ay pagpalain....
Sa mga pinag-aaralan natin...
Ay may makuhang mahalagang aral.,
Sa mga gurong ating minamahal.

Monday, September 22, 2008

Serious mode

Ngayong linggong ito hanggang sa katapusan ng quarter ay naka-serious mode ako. Minsan lang ako magsalita during classes at makikinig ako ng maigi sa guro. Pero during class hours ko lang talaga na-mamaintain ang aking seriuos mode. Dahil pag-after classes ay nababangag na ako. But I'm trrying my best.
Ang bilis naman ng results. It's working! Haha! Nakinig ako sa physics at maganda naman kinalabasan ng quiz ko. hihi!
Sige, paalam. Aral pa sa chem.

Thursday, September 11, 2008

Araw ng mga Kaarawan

     Ngayon ay kaarawan ni Estelle, Minnie, Ferdinand Marcos at ng aking kapatid, si Camai. Isang malamig na araw na naman ang nagdaan. Chem LT namin kanina. Walang food sci. Tapos walang basketball training, nag-laro na lamang ako ng ping-pong. Isang karaniwang araw lamang. Ngunit bakit ako depressed? Dapat ako' masaya ng dahil ang aking mga kaibigan at kapatid ay nagdidiwang ng kanilang mga kaarawan. Ito ay may kinalaman sa tubig. Hindi ako nakaligo ngayong gabi. Ginawa ko kasi ung gawain sa math, at pagkatapos ay di ko namalayan ang oras na nagdaan. Tuloy, pakiramdam ko ako'y malagkit. :(

Tuesday, September 9, 2008

Tuesday Sept. 9, 2008

Another regular day has just passed by. House fever! Finally, I finished the four seasons of house today. Yay!
But, I got a low grade in the English quiz. My copy of the Analects was lost. No Socsci today. The quiz was delayed, on the same day with the math quiz. :( Nagping-pong ako for an hour and 10 minutes. Tapos basketball training. Nakakapagod jogging.

Wednesday, September 3, 2008

Isang araw na naman ang nagdaan, napaka-boring ng humanities week. Ang masasabi ko lang ay tapos na ang di-kum. (What a relief!) Ahhhh. nag-taekwondo ako ngayon. Kinancel nina sir yung presentation sa family day. Kumain ako ng dinner, nanuod ng total of 5 episodes ng house ngayong araw. Tapos naglaba at the usual. Inaantok na ako.

Monday, September 1, 2008

1st day of humanities week

Nakakapagod. Buong umaga kaming nakababad sa araw at nakakulong sa oval. Nakapaglaro ako dun sa chopstick game. Unfortunately, last kami dun. After ng opening at games ay dumaan ako ng dorm at naglaro ng ping-pong kasama si portia, elysse at richelle. Inubos namin ung buong lunch break sa paglalaro. Binabalak pa sana namin na ipagpatuloy ang laro ngunit pinatigil kami dahil sa tree planting.
Sa tree planting area (likod ng astb), ay wala pa kaming nakitang tanim na may tatak na mg. Ayun pala, ay wala pang nagagawa ang aking mga kaklase. Naghukay sila ngunit di pa ganun ka lalim. Nung dumating si joaq ay bigla niyang hinawakan yung lupa at naghukay gamit ang kanyang mga kamay lamang. Lahat ay nagulat. Ngunit nung inabutan siya ng gwantes ay ginamit niya naman ito. Pagkatapos mailagay ang tanim, kumuha kami ng mga litrato namin para sa attendance. At nagpatuloy na kami sa paglalaro ng table tennis.
Hanggang mga 4:30 ay naglaro pa rin kami ni jenny. Ngunit, dahil sa di-kum practice ay natigil na naman ito. Pumunta kami ng 4th flr at nag-ensayo. Pagkatapos, ay dumaan ako ng caf at bumalik na sa dorm. Inayos ko ang aking mga gamit at damit. Kakain na sana kami, pero bago dumiretso ng caf ay naglaro muna kami ng luksong baka ng limang minuto (Jasmine, ako, portia, pate?) Kumain na kami ng hapunan at inikot ang shb pagkatapos. Bumalik na ako ng dorm at naligo. Binigay ko kay aling ofel ang aking mga labahan at naglaro ng o2mania.